Mga langitngit ng balsang kawayan

Matapos ang halos anim na oras na biyahe sa motor, narating din namin ang C sa timog-kanlurang tungki ng Timog Katagalugan. Ginabi na kaming apat at namanhid na mga puwet sa biyahe. Matapos maghapunan ng nilagang manok, nagdiskusyunan na kung saan at papaano matulog. Sinadya kong hindi dalhin ang tent at nagdala lang ng malong dahil g naman akong kumowboy, pero hindi inasahan ang nagpaparamdam na ambon-ambon. Buti na lang at ipinakilala sa amin si Kuya B, caretaker ng mala-resort dito, tagahatid ng mga turista, at ume-ekstra sa pagpupusit. Tuwang-tuwa siyang makita kami. Meron pala silang malaking balsa na may bubong, pinangtutour daw sa mga turista, puwede daw kami dun. Game kami ni R at E at medyo excited, sakto dahil wala rin kaming matulugang ibang spot.

Low tide kaya madali naming napuntahan ang balsa na halos nasa tabi lang ng pampang. Unting kuwentuhan kasama si Kuya B, dami niyang kuwento at karanasang ibinahagi. Matapos ang kuwentahan, nagpulasan ang iba at kami na lang nila R at E ang naiwan para matulog sa balsa.

Matapos ang dalawang oras, hindi ako matatulog. Basa-basa konte pampaantok, naka-airplane mode para tipid sa batt. Tumaas na nang bahagya ang tubig. Tumayo muna ako at jumingle mula sa dulong bahagi ng balsa. May mga alimangong nagtatago sa pagitan ng mga kawayan ng balsa. Pagkatapos mahiga uli, nakaramdam ako ng flashlight, may papalapit. Si Kuya B. Nagtulug-tulugan lang ako. Iniahon ni Kuya B ang angkla, hinila ang balsa, ililipat pala sa mas malalim para mas madaling imaniobra pagtaas ng tubig sa umaga. May tumulong sa kanyang isa pang kuya.

Hinintay kong makaalis sila bago ako nagbukas ng mata. Malayo na pala kami sa pampang, napapaligiran na ng tubig. Madilm. Inuugoy ng malamig na hangin ang balsa. 

Nirecord ko ang tunog ng mga lumalangitngit na kawayan. 

Leave a comment