Andal, Andal

(Pinerform ni Ana Margarita Palma alyas James Labrie ang tulang ito sa Opening Salvo ng UP Baguio Outcrop para sa Balintuna Creative Writing Contest. Ang tulang ito ay bilang pag-alala sa Maguindanao Massacre, na kumitil sa buhay ng mahigit 30 local journalists)

Andal, Andal! Halika na dito’t tayoy mag-almusal!

Nakahain na ang boneless na bangus

Imporated pa, galing sa Malaysia

Puno ito ng sustansiya, tiyak na tataba ka!

Iwanan mo na mga laruan na iyan

Tama na yang baril-barilan, baka magkasakitan pa kayo diyan

 

Andal, Andal! Kamusta naman ang iyong pag-aaral

Maayos ba magturo ang bagong teacher ninyong bungal?

Darating nga pala ang kaibigan mong si Gloria

Maghanda ka na at dudumugin na naman ang masyon natin

ng mga putang-inang mga mahihirap na kutong lupa

na walang ginawa kundi manlimos, magkamot ng pwet, magkantutan tuwing umaga kahit

sampu na ang anak nila, kasama yung mga walang utak na mga reporter at journalist na walang ginawa,

kung hindi magdadada, magreklamo, tirahin ang gobyerno, mga tarantado, gusto ba nila ng bala sa ulo?!

 

Andal, Andal!

Tama na yang pagpupusoy, bukas eleksyon na!

Si Mangandadatu, yung ulol mong kalaban?

Aba, yung mga tanga, balak ka pa atang kasuhan?!

Hoy, Andal! May mga kasama raw na journalist, akala mo kung sino umasta.

Wala nga silang pambili ng boneless bangus, tapos gusto ba nila tayong labanan!

Humanda sila, mga animal, gusto ba nilang makatikim ng mamahaling bigas, eto, isang kaban!

O baka gusto nilang magkaroon ng gripo sa tiyan!

 

xxx

 

May mga tangis akong naririnig, mababagal na tibok ng puso

Mga impit na sigaw ng nakatikom na bibig

Sumisingaw na amoy ng dugo, ginagahasa ang aking walang malay na konsensiya

Sumisigaw, HUSTISYA! Kahit walang lumalabas sa aking bibig

Sumasabog ang galit at kalungkutan, sumisirit sa nakakuyom na mga kamao

Walang liwanag, walang liwanag

Sa hukay na pinagtatakpan

Sa sugat na walang laman

Sa galit na walang patutunguhan

Sa patutunguhang walang nangangahas ipaglaban.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s