Astig

Namatay si Lando kanina.

Kaya naman pagkamatay na pagkamatay niya, nagbalak siyang magliwaliw muna at pumunta muna sa mga kasama niya sa school publication. Mabagal siyang naglakad. Inabutan niya sa opis si Jay.

‘Uy,’ sabi ni Jay pagkakita sa kanya, sabay balik uli ng tingin sa computer screen. Inilapag ni Lando ang bag na dala niya sa upuan, sabay upo rin sa isang upuan. Tinapos muna niya ang article niya tungkol sa tuition fee increase at ang kinalaman nito sa pornograpiya.

Dumating ang hapon, malamlam ang araw at lumilipad ang pauwi na ring mga maya, pagod na ang mata niya at nagsi-uwian na rin sila Jay at ang iba. Shinut down ni Lando ang computer at umuwi.

Gabi na. Malamig at malungkot ang simoy ng hangin. Sumikip ang dibdib niya. Kailangan niya ng pampagaan ng loob. Tama, sa Rumors. O sa Baguio Angels. O kaya sa Blue Heaven. Sumakay siya sa Yellow Submarine.

Bigla-bigla, namatay uli si Lando.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s