ASL

Hindi pa siya nakakahawak ng computer kahit kailan sa buhay niya.
Bente uno anyos na si Anjo, at sa edad niyang iyon, hindi pa rin niya alam ang ibig sabihin ng mouse at Facebook. Nag-aral siya ng high school, nagtapos ng BA Language and Literature sa UP Baguio, at kasalukuyang nagbebenta ng life insurance—sa nagdaang panahon wala siyang konsepto ng computer at ng kung ano pa man.

Pero kahit nung nasa bukid pa lang siya ng kanyang tatay sa Pangasinan, meron na siyang isang matayog na pangarap—

Ang makatuluyan ang isang foreigner na blue eyes at sexy.

Ang pangarap na ito ang nagsilbing motibasyon ni Anojo para tapusin ang pag-aaral. Pinagsikapan niyang mag-aral ng French, Espanyol, German at Swahili para lamang matupad ang kanyang pangarap.

Palubog na ang araw at matatapos na siya sa pag-iikot at pag-aalok ng life insurance sa mga tao. Mejo basa ang likod niya, medyo lang dahil natuyo na sa unti-unting lumalamig na hangin. Pumunta muna siya sa isang tindahan para magpahinga at bumili ng coke.

Nakita niya doon si Jomarie, nagyoyosi.

‘Uy pre, musta na ?’, bungad ni Jomarie.
‘Ayun, ganun pa rin naman,’ sabi ni Anjo, nakatungo sa lupa, sabay tanggal ng cap.
‘Tangna, mukhang nababangag ka na jan sa trabaho mo ah. Ba’t ka nga ba napadpad diyan e mukha naming maayos yung kurso mo sa UP ah.’
‘Wala e, mejo rare kase ang trabaho dun. Wala pa naman akong balak mag teacher.’
‘Ganun ba,’ sabay buga ng usok si Jomarie. Humithit muna siya habang medyo lumiliit ang mata bago bumanat ulit.
‘Bakit mo nga ba kinuha yun? Yan yung pa English English di ba ?’
‘La lang, dun ako nakapasa eh. At saka gusto ko rin kasi talagang mag-aral ng iba ibang lenggwahe.
‘Ayus ah, wangchayley wangwangchukchak. Biendevida de kwatro de putanisimo! Haha. Ganun ganun ba ginagawa niyo?’
‘Medyo ganon, haha.’

Lumugok muna siya sa botelya niya ng sopdrinks, sabay ‘aahh’. Bumanat uli si Jomarie.
‘Gagu, pwede mo gamitin yang talento mo sa mas masayang bagay.’
Medyo nag-adjust si Anjo sa upo niya, at nanliit din ang mata. ‘Pano?’
‘Gamitin mo para manchicks! Pwede ka na makipagchat sa mga taga ibang bansa. Puta, nakakainggit ka pre!’
‘Ganun ba yun? Anong chat ba yung sinasabi mo?’
‘Chat? Hindi mo alam ang chat?! Totoong tao ka ba pards? Sa computer. Makikipag-usap sa mga taga ibang bansa.’
Parang naging instant propesor si Jomarie para kay Anjo. Napakamot si Anjo ng ulo, at lalong nanliiit ang nagtatakang mga mata. ‘Anong computer?’
‘Putsa, boka mo. Ge pre, alis na muna ako. Nakakatawa ka rin palang tao, haha.’, sabi ni Jomarie sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa luoa. Naglakad si Jomarie na parang Robin Padilla. Hindi na maubos ni Anjo ang iniinom.

***
Hindi mapalagay si Anjo pagkatapos ng usapan na iyon. Hindi pa pala niya nalalaman ang maraming bagay. Ganun na ba ako kahuli sa panahon ? iniisip niya habang tinatahak ang daan pauwi.

Nga pala, hindi rin pala niya matandaan ang pangalan niya dati. Binigay lang ito ni Nanay nung siya ay 3 years old. Sabi sa kanya ni Nanay (yung nakasanayan niyang ina), napulot lang daw siya sa isang crater, parang nahulog na meteor. Nakabalot siya sa dahon ng saging, at may yellow paper na nakaipit sa kanan niyang kilikili. Ang nakasulat sa yellow paper (halatang Panda ang ginamit na bolpen) ay :Behold the Great Messiah, The Rock and Roll Star Who Will Rule The Fooking World.

Maraming detalye sa buhay niya ang di niya alam. Basta ang natatandaan na lang niya ngayon ay nag-tatrabaho siya kasama ng buong kaluluwa para mabuhay. Kaya naman ang mga bagay tulad ng computer ay hindi man lang niya nalalaman. Pati ang konsepto ng internet ay banyaga para sa kanya.

Anu’t anu man, nanatili ang kanyang pangarap na makapangasawa ng blue eyes na foreigner.

***

Alas otso na. Pagod na ang katawan niya, pero nang makita niya (for the first time) ang isang lugar na ang pangalan ay ‘Surf Jive Computer Shop’, naengganyo siyang pumasok muna at magmasid.

Pagkapasok, tiningnan siya ng nagbabantay mula ulo hanggang singit. Mukhang maangas ang gangster na nagbabantay ng ‘computer shop.’

‘Pwede ba gumamit ng computer?’ tanong ni Anjo.
‘Sige lang dude, sa number 16.’

Pagkarating sa number 16, umupo siya na hindi alam ang gagawin. May isang malaking TV sa harap niya, at may kung anu anong nakasulat dun. May itim na pindutan din na may nakasulat na mga letra at simbolo. Nakuha naman niya agad ang gamit nun. Nagets din niya agad ang gamit ng mouse.

At maya’t maya lang ay nag-iintenet na si Anjo. May Facebook at Plurk account na rin siya. Sumilip din siya sa Redtube.com.

Natuwa siya sa internet. Napakaraming oportunidad ang nakabukas para sa kanya. Habang nakatitig siya sa screen, dumadaloy sa kanyang kabuuan ang isang ilog na patuloy siyang tinatangay, tinatangay, tinatangay tinatangay, hanggang sa hindi na niya makita ang sarili niya…at isang kakaibang pangayayari ang naganap. Hindi na niya nakikita ang sarili niyang kamay,braso, mga paa—hindi na niya nakikita ang sarili niya! Pero sabay nito nakikita pa rin niya ang sarili niya, ang laman, ang mga kamay…(pano kaya yun?)

***
Na-addict na nga siya. Hindi na siya umuwi, ni tumayo man lang para tumae. Magtatatlong lingo na siyang nakaharap sa computer. Nakadikit na ang pagka-‘ako’ niya sa computer. At hindi pa rin niya nakikita ang sarili niya habang nakikita niya ang sarili niya.

Nakarating siya sa Omegle, isang website kung saan makikipag-usap ka sa ‘strangers’. Natuwa siya sa konsepto, at nakaramdam ng kakaibang kiliti sa likod ng tenga.

Bigla niyang naisip, ito na siguro ang pagkakataon ko para makakilala ng isang foreigner. Ang pangarap kong blue-eyes at sweet na foreigner, pwedeng French, English o American, basta blue eyes. Mamahalin niya ako at bibigyan ng todotodong pagmamahal. Pupunuin niya ang nagkukulang kong pagkatao.

Natandaan niya ang katagang nagpapanatili sa kanyang kumpyansa sa sarili:
Behold the Great Messiah, The Rock and Roll Star Who Will Rule The Fooking World.

Nakaconnect na siya. Nakakagat labi pa siya habang tinatype ang ‘hi’, sabay enter. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.

***
You: Hi!
Stranger: Hello there!
You: asl pls
Stranger: 19 fem uk
Stranger: u?
You: 20 male phil
Stranger: phil?
You: Philippines ^_^
Stranger: WAAAAAHHHHHH! UR ASIAN!
[the other user has disconnected]

Advertisements

2 thoughts on “ASL”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s