Patak

PATAK
Isa na namang tula para kay James Balao*

Isa ka lang patak
sa isang nag-uumapaw na timba
ng lahat ng katulad mong
dinukot, itinago’t nawawala

Isa ka lang patak
sa basang sando ng mga minero
at umaagos na pawis ng mga katutubo
na inagawan ng lupang
mapagsasandalan ng ulo

Isa ka lang patak
sa balde-baldeng dugo
na kanilang pinatalsik at pinatulo
sa mga pusong nag-aalimpuyo

Isa ka lang patak
sa malapot na katas ng mga bangkay
na nabubulok sa sulok ng mga bundok
may mga butas ng bala sa tiyan—
Parehos kayo ng pinaglalaban

Ngunit kahit isang patak ka lang
Sa isang tahimik at malawak na lawa
Tulad ng isang patak ng ulan
Ay sasalpok mula sa kaitaasan
Pupukawin ang nahihimbing na katubigan
Lilikha ng alon, gaano kaliit man
Na hahampas sa mga batong moog
Dudurog sa hambog na mga bundok
Gugunaw sa mundong binaog
At magpapasibol ng bagong punla
Luntiang usbong ng kalayaan at bagong simula
Kahit isang patak ka lang

*hindi na ganoon karami ang nagbibilang ng araw mula nang ikaw ay dinukot

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s